Ginigiba ako! Gudani
October 1, 2005 | 12:00am
Dinudurog ang aking pagkatao!
Ito ang inihayag ng sinibak na si Marine B/Gen. Francisco Gudani kaugnay ng diumanoy inilargang character assassination laban sa kanya matapos ang kanyang expose laban sa Arroyo administration kaugnay sa "Hello Garci" scandal.
Sinabi ni Gudani na sa simulat simula pa lamang ay alam na niyang ganito na ang mangyayari dahil maruming magtrabaho ang mga taong takot na malantad ang katotohanan sa nangyaring iregularidad noong 2004 elections.
Ayon dito, isang kaibigan niya ang nagparating sa kanya na isang taga-gobyerno ang umanoy naghahanap ng tao sa lalawigan ng Lanao na maaaring tumestigo laban sa kanya para palutanging mayroon itong ill-gotten wealth at iba pang katiwalian na ikukulapol sa kanyang pagkatao
Ang testigo ay inaalok umano ng kampo ng administrasyon ng malaking halaga kapalit ng pagwasak sa kanyang kredibilidad.
Kahapon ay ipinanukala naman ng ilang kongresista na isailalim sa lifestyle check si Gudani dahil sa sinasabing maluhong pamumuhay nito at tagong yaman.
Ayon kay Leyte Rep. Eduardo Veloso, posible anyang totoo ang balita matapos mapaulat na kabilang sa negosyo ng pamilya nito ay pagbebenta ng mga spare parts ng aircraft na nangangailangan ng malaking kapital. (Joy Cantos At Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest