Psycho test sa OFWs giit ni Villar
September 30, 2005 | 12:00am
Dahil sa dumaraming kaso ng mga Pilipinong pumapatay ng kapwa Pilipino sa ibang bansa, iginiit kahapon ni Sen. Manuel Villar, Jr. ang pagkakaroon ng mga psychological test at spiritual counseling para sa mga overseas Filipino workers.
Ayon kay Sen. Villar, chairman ng Senate comittee on foreign affairs, dapat na bigyang pansin ito ng pamahalaan dahil malaki ang magiging epekto nito sa larangan ng pagkuha ng mga OFW ng ibang bansa.
Hinimok ni Villar ang gobyerno na dagdagan ang volunteers at misyonaryo sa mga bansang maraming bilang ng Pinay at nang sa ganoon ay magkaroon ng hingahan ng kanilang mga sama ng loob ang mga OFWs.
Ipinaparebisa rin ni Villar ang mga alituntunin ng gobyerno para maiwasan ang pag-alis ng mga hindi dokumentadong OFWs.
Naalarma si Villar sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga OFW na pinangunahan ni Jane La Puebla, isang undocumented OFW sa Singapore na tsinap-chop umano ng kapwa Pinay. Sinundan ito ng pagpaslang naman sa isang domestic helper sa Dubai, UAE na Pinay din ang suspek at ang pinakahuling kaso ay naganap sa Spain kung saan nilaslas ang lalamunan ng isang Pinay at kapwa Pinay din ang suspek. (Rudy Andal/Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest