Anti-GMA sa mall magra-rali
September 30, 2005 | 12:00am
Tatapatan ng "mall tour" ng mga grupong anti-GMA ang pinatutupad na Calibrated Pre-emptive Response (CPR) o "no permit, no rally" ng pamahalaan.
Sinimulan na kahapon ng oposisyon sa pangunguna ng "Be Not Afraid" Group ang kanilang eksperimento at naglibot sa mga shopping malls sa Ayala Center, Makati City.
Naniniwala ang grupo na magiging epektibo ito dahil ang gagawin lamang nila ay magsusuot ng yellow t-shirt na may nakalagay na "GMA Resign!" at iikot sila sa mga mall na animoy nagwi-window shopping.
Ngunit negatibo naman ang epekto nito sa mga shoppers dahil sa halip na makapag-unwind ang mga mamimili ay makaka-distract pa sila sa nagre-relax na shoppers.
Sa isinagawa namang press conference ni dating Pangulong Ramos sa Makati City, dinipensa nito ang pinatutupad na CPR.
Dapat din anyang isipin ng anti-PGMA na hindi lamang sila ang may mga karapatan. May karapatan din anyang mag-reklamo ang mga negosyante at mga pribadong empleyado dahil sila ang higit na naaapektuhan ng mga rally.
Panukala nito, kung may bakanteng lote sa bisinidad ng Business Central District ay ito ang gawing freedom park at dito idaos ang kanilang mga kilos-protesta. Hindi na sila nakakaabala sa daloy ng trapiko ay hindi pa nila maiistorbo ang mga negosyo at mga empleyadong pumapasok sa trabaho. (LBonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest