^

Bansa

Pinay nilaslas ang lalamunan ng kapwa Pinay sa Spain

-
Isa na namang Pinay domestic helper ang nasawi matapos na laslasin ang kanyang lalamunan ng kapwa Pinay sa Spain.

Sa impormasyong nakarating sa tanggapan ni Foreign Affairs Undersecretary Jose Brillantes, sinasabing ang biktima ay nakilalang si Ivy Collantes Bautista, tubong Quezon Province.

Sinasabing nilaslas ang lalamunan ng biktima habang ito ay mahimbing na natutulog sa loob ng kanyang kuwarto sa Santander, Spain.

Hindi pa ibinibigay ng DFA ang pangalan ng suspek dahil hindi pa naipaalam sa kanyang mga pamilya sa bansa.

Ayon sa ina ng biktima na si Aling Demetria, kalunos-lunos ang sinapit ng kanyang anak at nararapat lamang na mabigyan ito ng hustisya.

Nabatid ni Aling Demetria ang ginawang pagpatay sa kanyang anak mula sa tiyahin ng biktima na si Nelia Maranan na nagtatrabaho rin sa bansang Spain.

Hindi pa rin batid ng DFA at ng pamilyang Collantes kung ano ang motibo ng krimen na siyang ‘subject’ ngayon ng imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing bansa.

Tiniyak ng DFA na tutulungan nila ang magkabilang panig tulad ng pagtulong sa pamilya nina Jane La Puebla at Guen Aguilar. (Mer Layson)

vuukle comment

ALING DEMETRIA

AYON

FOREIGN AFFAIRS UNDERSECRETARY JOSE BRILLANTES

GUEN AGUILAR

IVY COLLANTES BAUTISTA

JANE LA PUEBLA

MER LAYSON

NELIA MARANAN

PINAY

QUEZON PROVINCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with