Minority solons nagbitiw sa posisyon
September 28, 2005 | 12:00am
Nagsumite na kahapon ng kanilang "courtesy resignation" ang karamihan sa mga miyembro ng minority bloc sa House of Representative upang ipaubaya kay Minority Leader Francis Escudero ang napipintong reorganisasyon ng oposisyon.
Lahat ng deputy minority leaders ay nag-resign sa kanilang posisyon kabilang sina Reps. Alan Peter Cayetano, Rolex Suplico, Luis "Baby" Asistio, Oscar Malapitan, Antonio Serapio at Vincent Crisologo.
Tanging sina Reps. Imee Marcos, miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments at Joseph Santiago ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ang hindi nagsumite ng kanilang courtesy resignation.
Kabilang sina Marcos at Santiago sa anim na miyembro ng oposisyon na hindi dumalo sa makasaysayang botohan ng impeachment complaint ni Pangulong Arroyo noong Setyembre 6.
Nauna rito, sinabi ni Escudero na hinihintay pa rin nila ang magiging resulta ng revamp na isasagawa ng mayorya dahil may mga maka-administrasyong kongresista ang sumama sa grupo ng pro-impeachment bloc. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest