^

Bansa

50 armadong tauhan ni Gov. Magsaysay nilusob ang Subic guesthouse ni GMA

-
Inakusahan kahapon si Zambales Gov. Jose Vicente Magsaysay nang tangkang pag-okupa sa guesthouse ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nasa loob ng Subic Bay Freeport nitong nakalipas na linggo gamit ang may 50 tauhan.

Sa report ng Olongapo City Police, nagtungo umano si Gov. Magsaysay kasama ang anak na si J.V. Magsaysay, isang nakilalang Dicky Gonzales at mga armadong kalalakihan sa Presidential guesthouse at tinutukan saka sapilitang pinaalis ang naabutang mga tauhan ni SBMA administrator Armand Arreza.

Ayon sa mga biktima, pinagmumura sila ng mga tauhan ni Magsaysay habang pinaaalis sila.

Ayon sa biktimang si Bobby Fernandez, sinapak pa siya ng anak ng gobernador.

Kinumpirma rin ng SBMA Intelligence and Investigation Office (IIO) ang insidente sa isang bukod na ulat.

Ayon sa IIO, dumating sa guesthouse ang grupo ni Magsaysay kasama ang anak bandang alas-10:30 ng gabi noong Linggo.

Kinumpirma rin ng IIO na ang mga biktima ay mga tauhan ni Arreza na pinagbabantay sa guesthouse.

Napigilan lamang ang paglala ng sitwasyon nang dumating si SBMA senior deputy administrator Gen. Jose M. Calimlim, na kumumbinsi sa grupo ng gobernador na lisanin ang lugar.

Inatasan ni Calimlim si Col. Jose Calunsag, manager ng SBMA law and enforcement department, na magtalaga ng mga tauhan upang bantayan ang guesthouse at huwag payagang pumasok ang sinuman na walang pahintulot mula kay Calimlim.

Kinaumagahan naman ng Lunes, bumalik diumano si J.V., kasama ang may 30 armadong tauhan at tinangkang okupahan ang SBMA administration building, ngunit pagkaraan ng ilang minutong tensyon sa pagitan nila at ng mga empleyado ng SBMA ay kusa ring lumisan ang grupo ng batang Magsaysay.

Ang nasabing gusali na tinatawag ding "Quarters 5000 Kalayaan" ay isang opisyal na tirahan ng pinakamataas na pinuno ng US Navy na nakatalaga sa Subic noong ito ay ginagamit bilang base militar ng Estados Unidos.

Nang umalis ang mga Amerikano, ang base ay ginawang freeport at itinalaga ni Richard Gordon, unang SBMA chairman, ang Quarters 5000 bilang opisyal na pahingahan ng Pangulo ng bansa at ng kanyang mga bisita.

Si Gordon ay tumira sa kanyang sariling bahay na malapit din sa Quarters 5000. Nang mahirang naman si SMBA chairman Felicito Payumo, ginamit niya ang guesthouse bilang tirahan.

Nang pinalitan ni Francisco Licuanan si Payumo ay hindi ito nanirahan sa Subic at tumutuloy lamang sa isang hotel kapag nagpupunta sa SBMA.

Ang sumunod na nanirahan sa guesthouse pag-alis ni Payumo ay si dating SMBA administrator Alfredo Payumo.

Noong nakaraang linggo ay nagpasya ang board of directors ng SMBA na italagang muli ang Quarters 5000 bilang presidential guesthouse. Ito ang dahilan kung bakit nagtalaga si Arreza ng mga tao para bantayan ang gusali.

Sa kabila ng insidente, nangako si Arreza na pagtutuunan niya ng pansin ang mas malalaking problema ng Subic. (Ellen Fernando)

ALFREDO PAYUMO

ARREZA

AYON

CALIMLIM

GUESTHOUSE

MAGSAYSAY

NANG

SBMA

SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with