Ang scheme ng pagbabayad na ito ay bahagi ng kasunduan sa pagitan ng EIB at ng nagsarang Urban Bank at Urban Bank Investments na sinalo ng Export Bank matapos magsara ito noong Abril 16, 2000.
Ang nasabing scheme ng pagbabayad ay commitment ng Export bank na bayaran sa loob ng anim na taon ang kanilang mga pinansyal na obligasyon sa dating kliyente ng UB at UBI. Ang nasa schedule na pagbabayad ng EIB noong September 15 ay kanilang 4th repayment notes na nasa ilalim ng 6-taong LSP ng Export bank.