^

Bansa

2 markadong tagumpay naitala ng Exportbank

-
Muling nakumpirma ang mahusay na pagsalo ng Export and Industry Bank (EIB) sa nagsarang Urban Bank (UB) noong 2001 nang makapagtala ang Exportbank ng dalawang markadong pagbabayad sa mga dating depositor at kreditor ng Urban.

Nakumpleto ng Exportbank ang pagbabayad ng kabuuang P15.8 bilyon na obligasyon ng UB sa dating mga kliyente ng nasarang bangko at ng Urban Bank Investments (UBI), sa ilalim ng "Three-Year Liability Servicing Program" (LSP), na pinagkasunduan ng EIB at Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC). Ang ikatlo at pinal na hulog ay nakumpleto noong Setyembre 2004.

Matatandaang ipinasara ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong Abril 26, 2000 ang Urban Bank dahil sa pagiging "illiquid" (o kulang sa pondo) nito. Agad na iniligay ng BSP ang Urban sa "receivership".

Nang saluhin ng Exportbank ang UB, binuo ang naturang plano sa pagbabayad sa mga dating kliyente ng UB/UBI. Nitong Setyembre 15, 2005, nakatanggap ng bonus ang mga kliyenteng ito nang magbigay ng kabuuang P47 milyon ang Exportbank sa mga kliyenteng ito bilang karagdagang "interest recovery" (o nasalbang interes sa deposito) isang bagay na unang nangyari sa "banking history" sa bansa.

Ang pagbabayad ng Exportbank ng karagdagang interes at ng kabuuang pagkakautang (Repayment Notes) sa mga depositor at kreditor ng UB-UBI sa ilalim ng 3-Taong LSP, ay dalawa sa tinaguriang "landmark achievements" ng Exportbank.

BANGKO SENTRAL

EXPORT AND INDUSTRY BANK

EXPORTBANK

NITONG SETYEMBRE

PHILIPPINE DEPOSIT INSURANCE CORP

REPAYMENT NOTES

THREE-YEAR LIABILITY SERVICING PROGRAM

URBAN BANK

URBAN BANK INVESTMENTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with