Chop-chop body ni La Puebla iuuwi ngayon

Nakatakdang iuwi ngayong araw na ito sa Pilipinas ang chop-chop na katawan ng Pinay maid na si Jane La Puebla na sinasabing pinaslang ng kapwa Pinay sa Singapore noong Setyembre 9.

Sa ulat na ipinadala kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ni Ambassador to Singapore Belen Anota, kasamang darating ng labi ni Jane ang kanyang asawang si Cruzaldo at inang si Pauline matapos sunduin sa nasabing bansa.

Ayon kay Anota, nai-turn over na sa kanila ang bangkay ng biktima matapos makumpleto ng Singapore police ang pag-autopsiya na siyang gagamitin sa takbo ng kaso laban sa suspek na si Guen Aguilar.

Sinabi ni Anota na nagdaos na rin sila kahapon ng ‘funeral mass’ para kay La Puebla na dinaluhan ng Filipino community sa Singapore.

Umaasa ang pamilya La Puebla na mabibigyan ng katarungan ang karumal-dumal na ginawang pagpatay kay Jane. (Mer Layson)

Show comments