^

Bansa

Makati investors inalok lumipat sa Pasig

-
Dahil sa mga kilos protesta na inaangalan na ng mga negosyante sa Makati ay inalok naman ng pamahalaang lungsod ng Pasig ang libo-libong investors na ilipat na lamang ang kanilang mga negosyo sa Ortigas Center kung saan mas magiging ligtas ang kapaligiran ng mga ito.

Sinabi ni Pasig City Mayor Vicente Eusebio na nakipag-usap siya kay Donald Dee, isang kilalang business leader na i-transfer na lamang ang kanyang mga investment at negosyo sa lungsod ng Pasig, ito’y kung magiging magulo na at madilim ang sitwasyon sa Makati.

"Sinabihan ko si Mr. Donald Dee na transfer all your investors to Ortigas kasi dito sa amin peace loving at mapagmahal ang mga tao. They are welcome here," saad ng alkalde.

Aniya, mas tahimik sa lungsod ng Pasig dahil ang Makati ay polluted na ng mga kilos protesta laban sa Pangulo.

"Peace and order should be our priority because it is these that investors looked when they want to visit a place and invest," dagdag pa ni Eusebio.

Ipinagmalaki din nito na may 20,000 investors na nag-aaply ng permit para makapagpatayo ng negosyo. Suportado din umano ng pamahalaang lokal ng Pasig ang kapulisan na siyang nagsasaayos ng katahimikan at kaligtasan ng bawat mamamayan na nagtutungo at naninirahan sa Pasig. (Edwin Balasa)

ANIYA

DAHIL

DONALD DEE

EDWIN BALASA

MAKATI

MR. DONALD DEE

ORTIGAS CENTER

PASIG

PASIG CITY MAYOR VICENTE EUSEBIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with