^

Bansa

Gen. Jarque, misis ‘binaboy’ sa US

-
Trinato na parang mga hayop si ret. Phil. Army Brig. Gen. Raymundo Jarque at misis nito matapos na kaladkarin, hindi pakainin at paghubarin sa loob ng kulungan nang sila ay arestuhin sa Dallas International Airport sa Texas nitong Martes.

Ang mag-asawang Jarque ay dumating sa bansa kahapon matapos ipadeport ng Estados Unidos dahil kabilang sa US terrorist watchlist ang pangalan ni Gen. Jarque bilang consultant sa National Democratic Front (NDF).

Sinabi ni Jarque na habang nakapila sa Immigration lane ay nilapitan sila ng tatlong ahente ng US-INS at sila’y pinaalis at dinala sa investigation room. Doon ay pinaghubad sila at tanging brief at panty lamang ang natira nilang kasuotan. Pagkatapos ay pinaghiwalay sila ng kulungan ng kanyang misis at isinama sa mga nakakulong na may mga kasong kriminal.

Ang mag-asawa ay nagtungo sa US upang puntahan ang kanilang anak na isang US citizen at para sa liver transplant ni Mrs. Jarque.

Sinabi ng heneral na kung talagang isa siyang terorista ay hindi na sana sila binigyan ng kanyang asawa ng US visa para makaalis.

Nakatakda namang magsampa ang pamilya Jarque ng kaso laban sa US immigration officials at maghahain din ng diplomatic protest para maturuan ng leksiyon ang mga abusadong Amerikano.

Nanawagan din siya sa pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang mga ganitong pagtrato sa mga Pinoy na nagpupunta sa Amerika.

Nakahanda naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tulungan si Jarque sa kanyang protesta laban sa US. (Butch Quejada, Ellen Fernando at Joy Cantos)

ARMY BRIG

BUTCH QUEJADA

DALLAS INTERNATIONAL AIRPORT

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

ESTADOS UNIDOS

JARQUE

JOY CANTOS

MRS. JARQUE

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with