Yorac inilibing
September 23, 2005 | 12:00am
Inihatid na kahapon ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa kanyang huling hantungan si dating Philippine Commission on Good Government (PCGG) Chairman Haydee Yorac sa Libingan ng mga Bayani.
Si Yorac,64, ay hinangaan ng sambayanang Pilipino sa kanyang krusada laban sa graft and corruption sa pamahalaan. Ang labi nito ay inilibing sa tabi ng puntod ni dating Senador at Foreign Affairs Sec. Blas Ople, dating Defense Sec. Rafael Ileto at ng mga namapayang bayaning sundalo.
Ayon kay Army Chief Lt. Gen. Hermogenes Esperon Jr., alas-12 ng tanghali nang magpugay sila sa labi ni Yorac bilang huling respeto at pagkilala sa katangi-tanging serbisyo publikong nagawa nito at pinagkalooban din siya ng 21 gun salute. Si Yorac ay sumakabilang-buhay nitong Setyembre 13 sa Chicago, Illinois matapos ang mabahang pakikipaglaban sa sakit na kanser sa obaryo. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended