Cebu Airport chief wagi sa P12-M contract
September 21, 2005 | 12:00am
Masayang inanunsyo kamakailan ni Mactan-Cebu International Airport General Manager Adelberto Yap na nanalo ang kanyang kumpanya sa bidding ng P12-milyon kontrata kada taon para sa may 95 security guards na siyang madaragdag sa hanay ng security personnel sa nasabing airport.
Tuwang-tuwang sinabi ni Yap na dalawang kumpanya lamang ang sumali sa nasabing bidding, ang kanyang kumpanyang Philippine Aviation and Security Service Corporation (Passcor) at Baisa Security Agency.
Ang MCIAA na pinamumunuan ni Yap ang nag-conduct ng bidding kung saan ang sarili niyang kumpanyang Passcor ang inanunsyo niyang nanalo.
Ayon naman sa ibang industry players na humiling ng anonymity, limang kumpanya ang kwalipikado upang sumali sa bidding ngunit kataka-takang umatras ang mga ito, kabilang na ang Centurion Security Agency na may kontrata pa sa MCIAA hanggang Oktubre 1 ngayong taon.
Nagtaas pa ng sariling bangko si Yap nang sabihin nitong ang mga security guards ng Passcor ay hindi ordinaryong mga security guard dahil maaari silang i-assign kahit saan mang restricted area sa nasabing paliparan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest