^

Bansa

70,000 pamilya wawalisin sa mga estero

-
Para maiayos ang daluyan ng tubig at maiwasan ang pagbaha sa pagbagsak ng ulan, planong gibain ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 70,000 pamilya ng mga squatter na naninirahan sa gilid ng estero sa Metro Manila.

Sa estimated 70,000 squatter families, 2,000 dito ang nagtayo ng bahay sa gitna mismo ng tubig. Bukod sa nakabarang mga kabahayan, problema rin ng MMDA ang malalaking pipelines at ground excavation works ng Maynilad Water Services Inc., Marine Water Co., Inc. at PLDT.

Ayon kay MMDA Vice-Chairman at Flood Control Group head Cesar Lacuna, ang mga baradong kanal ang sanhi ng flashfloods sa kalsada. Ang mga itinatapon ng mamamayan na hindi natutunaw na basura ang bumabara sa mga drainage.

Dahil dito, makikipag-ugnayan ang nasabing opisyals sa mga alkalde sa Metropolis para sa pagpapaalis sa mga residente sa tabi ng estero. Hiniling din ni Lacuna sa mga utility companies at contractors ng nabanggit na establisimento na magsagawa ng relokasyon sa mga pipeline na nakahambalang sa daluyan ng tubig.

Nangako si Lacuna na magsasagawa ng round-the-clock inspection sa mga drainage system, creeks at canals para matiyak na hindi na mauulit ang mabilis na pag-akyat ng tubig-baha sa pag-ulan. Hihigpitan din ng MMDA ang pag-iisyu ng excavation permits. (Lordeth Bonilla)

AYON

BUKOD

CESAR LACUNA

FLOOD CONTROL GROUP

LORDETH BONILLA

MARINE WATER CO

MAYNILAD WATER SERVICES INC

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with