^

Bansa

7 katao patay sa landslide/flashflood

-
Umaabot na sa 7-katao ang death toll, pito ang nakaligtas habang isang 2-anyos na batang lalaki ang nawawala sa flashfloods at landslides dulot ng ‘active low pressure area’ sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa report ng Office of Civil Defense (OCD), hanggang tuhod pa rin ang baha sa Bongabong, Nueva Ecija kung saan ay naitala sa 200 pamilya ang apektado nito. Patuloy namang minomonitor ng OCD ang Danglan Dike sa South Poblacion sa Gabaldon Nueva Ecija; Malisik, Anaasin at Arnedo Dikes na pawang napinsala at nagkaroon ng bitak sa Candaba, Pampanga.

Hindi pa rin madaanan ang highway na nag-uugnay sa Bongabong, Nueva Ecija at Baler, Aurora sanhi ng pagkawasak ng tulay sa Villa Aurora. Hindi rin madaanan ang highway sa Sta. Ana-Candaba, Pampanga. Tatlong dike rin ang iniulat na napinsala sa Busac, Oas, Albay at tuluyang nawasak ang dike sa Iraya Sur ng lalawigan. (Joy Cantos)

ARNEDO DIKES

BONGABONG

DANGLAN DIKE

GABALDON NUEVA ECIJA

IRAYA SUR

JOY CANTOS

NUEVA ECIJA

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PAMPANGA

SOUTH POBLACION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with