Base sa intelligence report ng PNP at AFP intelligence community, ipinaalam ni US Embassy Charge de Affairs Joseph Mussomeli sa Federal Bureau of Investigation (FBI) na may nagbabadya umanong panibagong kudeta laban sa Pangulo matapos bumagsak ang rating nito.
Sa nasabing US report, humina na ang suporta at tiwala ng publiko sa liderato ng Pangulo kaya manghihimasok na umano ang AFP sa krisis sa pulitika sa bansa. Target ng recruitment ang mga CAFGU at iba pang Reserve Force ng AFP na kinabibilangan ng mga ROTC (Reserve Officers Training Course) sa mga unibersidad at kolehiyo dahil madali anyang ma-brainwash ang isip ng mga kabataang ito.
Hindi naman nalingid kay Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) Chief Brig. Gen. Marlu Quevedo ang anyay desperadong recruitment at patuloy silang nagsasagawa ng monitoring at beripikasyon ukol dito.
Sa panig ni AFP Reservist and Retirees Affairs (J7) Chief Major Gen. Raul Relano, sinabi nito na isang malaking kalokohan para pati ang mga ROTC cadets at AFP Reserve Force ay makisali sa isyu ng destabilisasyon.
Binigyang diin ni Relano na disiplinado ang mga ROTC cadets at mga reserve force ng AFP para lumahok sa anumang uri ng pag-aaklas.