Batay sa isinumiteng ulat ng Caloocan Health Department, di hamak na mas mataas ang bilang ng mga taong nagamot sa nasabing ospital, dating Caloocan City General Hospital, kaysa noong mga nakaraang taon na hindi pa ito naisasaayos.
Ayon kay City Health officer Dr. Raquel So-Sayo, sa unang taon pa lamang ng administrasyon ni Echiverri ay napuno na ng alkalde ng mga makabagong kagamitan at aparato ang ospital upang lalong makapagsilbi sa mga residente ng lungsod.
Sinigurado naman ni Echiverri na patuloy niyang sisikaping mapagbuti ang mga serbisyong ipinagkaloob ng PDMMMC.
Ilan sa mga modernong kagamitan na kasalukuyang nasa ospital ay X-ray at ultrasound machines, coulter machine, defibrillator/cardiac monitor, emergency cart.
Gayundin, nakapagseserbisyo na ang Center for Reproductive Health, Physical Therapy at Specialty Clinics, Out-patient Department, Dental Services at botika.
Bukod sa mga resident doctors ay mayroon na ring mga private practitioners at espesyalista na nangangasiwa ng kanilang mga klinika sa PDMMMC. Patunay na kapantay na ang ating ospital sa mga nangungunang pagamutan sa bansa.