Naniniwala si Barbers na malaki ang magagawa ng 11 porsiyentong share upang makontrol ng gobyerno ang management ng kompanya.
Mauuwi lamang anya sa wala ang mga naiisip na alternatibong paraan ng pamahalaan kabilang na ang pansamantalang pagpigil sa implementasyon ng expanded value added tax (EVAT) kung hindi naman makokontrol ng pamahalan ang presyo ng langis.
Hindi aniya dapat ipagkatiwala na lamang sa pribadong sektor ang full control ng oil industry dahil mas inuuna ng mga ito ng kanilang tubo kaysa sa kapakanan ng mamamayan.
Idinagdag ni Barbers na kung makukuhang muli ng gobyerno ang Petron at ipapatupad ang mas mababang presyo ng gasolina, ito ang mas pipiliin ng mga drivers na umaangal na sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
Noon pang 12th Congress unang inihain ang resolusyon na naglalayong muling kontrolin ng gobyerno ang Petron pero hindi pa ito naisasabatas. (Malou Rongalerios)