Treason vs Sec. Gonzales
September 18, 2005 | 12:00am
Sasabit umano sa kasong treason o pagtataksil sa bayan si National Security Adviser Norberto Gonzales dahil sa pagpasok nito ng kontrata sa Venable LLP, isang US lobby group, na magiging tulay para makahanap ng pampondo sa Charter change.
Ito ay kung isasama siya ni Iloilo Rep. Rolex Suplico sa isasampang impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo sa susunod na taon kaugnay sa maanomalyang kontrata na hindi dumaan sa bidding.
"We will include this contract in our charge sheet next year, we might file another impeachment complaint. This is treason and betrayal of public trust, an impeachable offense," pahayag ni Suplico.
Dahil dito, sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na lalo pang nadiin si Gonzales sa kontrobersiya matapos nitong aminin na hindi manggagaling sa kaban ng bayan ang perang ipambabayad sa Venable kundi sa private donors.
Ipinaliwanag ni Pimentel na ang lahat ng donasyon para sa gobyerno ay kailangang ipasok muna sa National Treasury bago magdesisyon ang Kongreso kung saan dapat ito gastusin, base sa mga isinusumiteng panukalang budget ng pamahalaan at hindi dapat ito ginagasta agad tulad ng ginawa ni Gonzales.
Dinagdag pa ng senador na hindi rin maaaring lumagda ang kalihim sa ngalan ng Republika ng Pilipinas dahil hindi naman siya pinuno ng isang line department kahit na mayroon siyang Cabinet rank.
Kinuwestiyon ni Pimentel kung bakit si Gonzales ang nakipag-negosasyon sa Venable LLP gayong wala namang kinalaman sa national security ang Charter change.
Naniniwala pa ito na kaya naghahanap ng mga palusot si Gonzales dahil alam din nitong puno ng iregularidad ang kontrata dahil sa hindi man lamang ito dumaan kina Executive Sec. Eduardo Ermita, Budget Sec. Romulo Neri at Chief Presidential Legal Counsel Merceditas Gutierrez.
Ang kontrobersiyal na kontrata ay umani ng kritisismo sa Kongreso matapos mabunyag na ang buwanang bayad sa naturang lobby group ay $75,000 o P50 milyon isang taon.
Lalo pang nabatikos ang kontrata matapos ihayag ni Gonzales na babalikatin umano ang pondo ng mga private donors pero ayaw nitong banggitin ang mga pangalan ng nag-donate.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended