Hindi lamang sa Pilipinas at Amerika mahigpit na pinaiiral ang Anti-Piracy Law kundi maging sa Saudi.
Batay sa report na natanggap ni DOLE Sec. Patricia Sto. Tomas, paglapag ng OFW sa Dammam Airport sa Saudi Arabia ay inaresto ito matapos mahulihan ng 32 piraso ng pirated CDs sa kanyang bagahe.
Inamin ng naarestong OFW na balak niyang ibenta ang mga CD sa Saudi.
Hiningan ng Saudi Police ang OFW ng 16,000 Saudi riyals o P240,000 bilang multa. Nakahanda namang magbigay ng 3,000 Saudi Riyals ang employer nito bilang tulong. (Gemma Garcia)