^

Bansa

OFW sa Saudi kulong sa pirated CDs

-
Nagbabala kahapon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawang Pinoy sa abroad na huwag magdadala ng mga pirated CDs at VCDs ito’y kasunod ng pagkakadakip sa isang OFW na hindi pinangalanan.

Hindi lamang sa Pilipinas at Amerika mahigpit na pinaiiral ang Anti-Piracy Law kundi maging sa Saudi.

Batay sa report na natanggap ni DOLE Sec. Patricia Sto. Tomas, paglapag ng OFW sa Dammam Airport sa Saudi Arabia ay inaresto ito matapos mahulihan ng 32 piraso ng pirated CDs sa kanyang bagahe.

Inamin ng naarestong OFW na balak niyang ibenta ang mga CD sa Saudi.

Hiningan ng Saudi Police ang OFW ng 16,000 Saudi riyals o P240,000 bilang multa. Nakahanda namang magbigay ng 3,000 Saudi Riyals ang employer nito bilang tulong. (Gemma Garcia)

AMERIKA

ANTI-PIRACY LAW

BATAY

DAMMAM AIRPORT

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

GEMMA GARCIA

HININGAN

PATRICIA STO

SAUDI ARABIA

SAUDI POLICE

SAUDI RIYALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with