^

Bansa

20 graft charges isinampa vs BF

-
Dalawampung kaso ng katiwalian ang kinakaharap ngayon ni MMDA Chairman Bayani Fernando sa Ombudsman, batay sa record na nakalap mula sa Commission on Audit (COA).

Napag-alaman na may mga kontrata ng konstruksiyon na umano’y inaprubahan ni Fernando na ikinalugi ng pamahalaan ng milyun-milyong piso. Pinuna rin ang umano’y pagbabayad nito ng mga consultant sa Marikina City na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso na kaya naman daw trabahuhin ng City Engineering Department.

Kabilang sa mga anomalyang iniuugnay kay BF na ikinalugi umano ng pamahalaang lokal ng Marikina at national government ay mga housing projects at konstruksiyon ng paaralan sa naturang lungsod. Kinuwestiyon ang mga "deformed bars" na sinasabing binili ng P5 milyon na bukod sa dispalinghado ay overpriced. Pati Special Education Fund para sa mga mag-aaral ay pinakialaman din umano para sa ibang purpose.

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CITY ENGINEERING DEPARTMENT

DALAWAMPUNG

FERNANDO

KABILANG

KINUWESTIYON

MARIKINA CITY

NAPAG

PATI SPECIAL EDUCATION FUND

PINUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with