Si Yorac, 64, ay nagbitiw sa PCGG matapos ma-detect na mayroon siyang cancer at nagtungo sa Estados Unidos para magpagamot.
Si Yorac ay isang abogada at 2004 Ramon Magsaysay awardee for government service. Bago siya itinalaga sa PCGG, pinamunuan niya ang Comelec noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino at law professor sa UP College of Law.
Malaki ang ginampanang papel ni Yorac para mabawi ang US$684 million ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.
Agad namang nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Arroyo sa mga naulila ni Yorac. Isa anyang malaking kawalan sa serbisyong pampubliko ang pagkamatay ng isang mahusay na lingkod ng bayan. (Lilia Tolentino/Rudy Andal)