^

Bansa

Ex-PCGG chair Haydee Yorac namatay sa cancer

-
Sumakabilang buhay na si dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman Haydee Yorac sa sakit na ovarian cancer sa Amerika.

Si Yorac, 64, ay nagbitiw sa PCGG matapos ma-detect na mayroon siyang cancer at nagtungo sa Estados Unidos para magpagamot.

Si Yorac ay isang abogada at 2004 Ramon Magsaysay awardee for government service. Bago siya itinalaga sa PCGG, pinamunuan niya ang Comelec noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino at law professor sa UP College of Law.

Malaki ang ginampanang papel ni Yorac para mabawi ang US$684 million ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

Agad namang nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Arroyo sa mga naulila ni Yorac. Isa anyang malaking kawalan sa serbisyong pampubliko ang pagkamatay ng isang mahusay na lingkod ng bayan. (Lilia Tolentino/Rudy Andal)

CHAIRMAN HAYDEE YORAC

COLLEGE OF LAW

ESTADOS UNIDOS

GOOD GOVERNMENT

LILIA TOLENTINO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG CORY AQUINO

PRESIDENTIAL COMMISSION

RAMON MAGSAYSAY

RUDY ANDAL

SI YORAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with