^

Bansa

Dilangalen, gustong ibalik ni Erap

-
Nagpahayag ng pagnanais si dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada na maibalik si dating Maguindanao Congressman Didagen Dilangalen bilang spokesman nito.

Si Dilangalen ay nasibak sa puwesto matapos na mag-abstain ang kanyang maybahay na si Rep. Baisendig Dilangalen sa botohan ng House of Representatives sa isyu ng impeachment laban kay Pangulong Arroyo.

Sinabi ng kampo ni Estrada na nais ng dating Pangulo si Dilangalen bilang tagapagsalita nito at dahil na rin sa paliwanag na hindi niya hawak ang desisyon ng kanyang maybahay sa kontrobersyal na impeachment issue.

Naniniwala umano si Estrada na walang kapalit na pera ang ginawang pagboto ni Gng. Dilangalen. Wala rin umanong plano si Estrada na ibalik sa Partido ng Masang Pilipino (PMP) ang tinanggal na si Bulacan Rep. Pedro Pancho dahil sa pag-amin nito na tumanggap siya ng P21 milyong halaga ng mga proyekto mula sa administrasyon kapalit ng pagbaligtad nito.

Samantala, isinusulong pa rin ni Estrada ang kanyang kampanyang "Rebolusyon Kontra sa Gutom" para sa mahihirap.

Inilunsad nito ang palatuntunan sa pamamahagi ng may 300 biik sa mga mahihirap ng Brgy. Sampaloc na sakop sa kanyang rest house sa Tanay. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BAISENDIG DILANGALEN

BULACAN REP

DILANGALEN

HOUSE OF REPRESENTATIVES

LILIA TOLENTINO

MAGUINDANAO CONGRESSMAN DIDAGEN DILANGALEN

MASANG PILIPINO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG JOSEPH

PEDRO PANCHO

REBOLUSYON KONTRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with