Pinay chop-chop walang dokumento
September 13, 2005 | 12:00am
Isang "undocumented worker" ang Pinay domestic helper na pinagputul-putol ang katawan ng kapwa Pinay maid sa Singapore.
Ito ang nabatid sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) matapos na wala sa listahan nito ng mga legal na overseas Filipino Workers (OFWs) ang chop-chop victim na si Jane Parangan La Puebla, 26, ng Nueva Vizcaya.
Dahil dito, sinabi ni Labor Sec. Patricia Sto. Tomas na walang matatanggap na benepisyo mula sa gobyerno si La Puebla dahil sa pagiging undocumented nito.
Base rin sa rekord ng OWWA, ang akusadong si Guen Garlejo Aguilar, 29, tubong Baguio City na itinuturong responsable sa brutal na pagpatay kay La Puebla ay dokumentado at nakaalis sa bansa noong Abril 7, 2004.
Kaugnay nito, sinabi ni Philippine Ambassador to Singapore Belen Anota na natapos na kahapon ang "post mortem" at iba pang pagsusuri sa mga putul-putol na bahagi ng katawan ni La Puebla na unang kinilala sa pamamagitan ng finger prints nito.
Inihayag din ni Foreign Affairs Spokesman Atty. Gilbert Asuque na pinoproseso na ang pagpapabalik sa bansa o repatriation sa mga labi ni La Puebla at sa posibleng makukuhang benepisyo nito mula sa kanyang employer.
Sinabi ni Asuque na itinakda ng Singapore court sa Setyembre 16, 2005 ang unang pagdinig sa kasong murder laban kay Aguilar.
Samantala, nanawagan ang Migrante Sectoral Party sa pamahalaang Arroyo na gawin ang lahat upang masagip si Aguilar sa posibleng parusang kamatayan upang di mapagaya sa sinapit ng Pinay DH na si Flor Contemplacion na binigti sa Singapore dahil sa kasong pagpatay.
Ayon kay Migrante Chairperson Connie Bragas-Regalado, dapat na mabigyan ng tamang proseso si Aguilar ng Singapore govt at tratuhing inosente hanggat di napapatunayang "guilty" sa kaso.
Kinondena ng Migrante ang kautusan ni Singapore Magistrate Carolyn Woo na ikulong si Aguilar at huwag ipapakausap sa abogado nito sa loob ng isang linggo hanggat nagsasagawa ng imbestigasyon ang prosekusyon.
Iginiit ng Migrante na may karapatan si Aguilar na magkaroon ng "access" sa kanyang legal counsel upang maihanda ang kanyang depensa para makaligtas sa parusang bitay.
Nanawagan din ang Migrante kay S.R. Nathan, Head of State at Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong na tiyakin ang patas na paglilitis para kay Aguilar. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended