^

Bansa

‘Practice ka na Noli!’

-
Hinamon kahapon ng ilang miyembro ng oposisyon si Vice President Noli de Castro na mag-practice nang maging presidente at ipakitang may kakayahan itong mamuno sa bansa habang wala si Pangulong Gloria Arroyo.

Sinabi nina Muntinlupa Rep. Rufino Biazon, Akbayan Rep. Loretta Ann Rosales at Iloilo Rep. Rolex Suplico na isang magandang practicum para kay de Castro ang maging caretaker ng bansa habang wala ang presidente.

Naniniwala si Suplico na dapat ipakita ni de Castro na isa siyang boy scout at laging handa sa anumang posibilidad na maupo bilang presidente.

"As vice president, he should always be ready to take over the presidency. It is not an excuse for him to say he is not prepared. Now is the opportunity for him to show he is worthy of the position," pahayag naman ni Biazon.

Idinagdag ni Rosales na kabilang sa obligasyon ni de Castro ang gawain ng presidente dahil ito ang itinuturing na "presidential successor" sakaling mabakante ang posisyon ng Punong Ehekutibo.

Pero sinabi nina Tarlac Rep. Jeslie Lapus at Davao City Rep. Prospero Nograles na isang intriga lamang ng oposisyon ang pambubuyo kay de Castro na pamunuan ang bansa habang wala si Arroyo.

"They will never stop to sow intrigues and to drive wedge between Gloria and Noli but they won’t succeed," pahayag ni Nograles.

Masyado na aniyang advance ang teknolohiya sa kasalukuyan at maaari pa ring pamunuan ni Arroyo ang bansa kahit nasa labas ito ng Pilipinas.

"Kapag ganyang short absence in times of modern communications with the Cabinet members, that makes the President still calling the shots," pahayag ni Lapus.

Si de Castro ay pansamantalang itinalaga ng Pangulo bilang caretaker ng bansa habang dumadalo ang Punong Ehekutibo sa tatlong araw na 2005 World Summit para sa ika-60 na sesyon ng United Nations Security Council meeting na gaganapin sa UN headquarters sa New York City bukas hanggang Sept. 16. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AKBAYAN REP

DAVAO CITY REP

GLORIA AND NOLI

ILOILO REP

JESLIE LAPUS

LORETTA ANN ROSALES

MALOU RONGALERIOS

MUNTINLUPA REP

PUNONG EHEKUTIBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with