3 OFWs minolestya
September 10, 2005 | 12:00am
Nakatakdang ipagharap ng kasong Human Trafficking ang tatlong recruitment agencies na umanoy nagpabaya sa tatlong OFWs na biktima ng pagmamalupit sa Saudi Arabia.
Nakauwi lamang sa bansa sina Meriam Camango Lambiwa, Raquel Marante Cauntay at Aidah Salim Mahid makaraang bayaran nila ang kani-kanilang mga plane tickets pabalik ng bansa.
Inireklamo ni Cauntay ang Aisis Manpower Agency na may opisina sa Gedisco bldg., Pedro Gil, Manila dahil pinabayaan umano siya ng ahensiya. Dumanas ito ng pangmomolestya mula sa kamay ng kanyang mga amo kaya nagawa niyang tumakas hanggang sa mahuli siya ng Saudi Police. Nakulong siya ng 10 buwan at tumanggap ng mahigit 200 hagupit.
Biktima naman ng maling pag-aakusa si Lambiwa at ipinakulong ng amo sa bintang na ito ang nagpainom ng sleeping pills sa kanyang inaalagaang bata. Nahatulan siya ng 4-buwang pagkabilanggo. Tinukoy niya ang Al-Rapedin Agency sa Mabini St., Malate, Manila na kung sinagot ang panawagan niyang tulungan siya ay maaaring hindi niya inabot ang ganoong parusa.
Pangmomolestya din sa kamay ng mga kaanak ng kanyang among Arabo ang dinanas ni Mahid. Isang agency, ang Al-Subaj Agency ang umanoy pinagbentahan kay Mahid. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 27, 2025 - 12:00am
January 25, 2025 - 12:00am