Gloria lusot!
September 7, 2005 | 12:00am
Nakalusot sa impeachment complaint si Pangulong Arroyo matapos mabigo kahapon ang mga pro-impeachment solons na iharap sa plenaryo ang lagda ng 79 kongresista na tatayong endorser ng reklamo.
Sa botong 158-51-6, tuluyang inilibing ang Committee Report 1012 ng House committee on justice na nagbabasura sa impeachment complaint laban kay Arroyo at nagbigay din dito ng isang taong proteksiyon sa anumang katulad na reklamo.
Inamin ni House Minority Leader Francis Escudero na bigo ang kanilang hanay na makuha ang tinatawag na magic 79 kaya dadalhin na lamang nila sa kalsada sa pamamagitan ng mga mapayapang kilos-protesta ang pinatay na reklamo.
Hindi aniya labag sa Konstitusyon ang pagpapahayag ng saloobin ng sinuman at may karapatan ang lahat na magsagawa ng kilos-protesta.
Pero idinagdag rin ni Escudero na patuloy pa rin nilang hihikayatin sa plenaryo ang kanilang mga kasamahan na pumirma bilang endorser ng impeachment. Tumagal ng halos 24-oras ang marathon session na nagsimula noong Lunes at inabot ng 13 oras ang botohan. Binigyan ng tig-3 minuto ang 236 solons para ipaliwanag kung bakit "yes" o "no" ang kanilang boto sa report na nagsimula ng 3:40 ng madaling araw. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am