Bahay ni Cory sinugod ng Luisita workers

Sinugod kahapon ng mga manggagawa ng Hacienda Luisita ang bahay ni dating Pangulong Cory Aquino sa Times St., West Triangle, Quezon City.

Ayon kay Rene Tua, opisyal ng Central Azucarera de Tarlac Labor Union, layunin ng mga manggagawa na pakiusapan si Mrs. Aquino na resolbahin ang problema sa pagmamay-ari ng lupa na sinasaka ng mga sugarcane workers.

Hiniling ng mga manggagawa sa pamamagitan ni Bayan Muna Partylist Rep. Satur Ocampo na kumbinsihin si Mrs. Aquino na ipamahagi na ang ilang ektaryang lupain sa Hacienda sa mga magsasaka.

Nais ng mga ito na ipagkaloob sa kanila ang binubungkal nilang 6,600 ektaryang lupain alinsunod sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Anila, dapat ibasura ang unang kasunduan na stock distribution option na unang inalok ng pamunuan sa mga hacienda farmworkers.

Show comments