McDo nagtipid-gas na rin
September 5, 2005 | 12:00am
Pati ang isa sa pinakamalaking hamburger chains sa bansa na McDonalds Philippines ay bilib na rin sa Filipino invention na tipid-gas gadget dahil nagpakabit na rin ang mga ito ng pinag-uusapang Khaos Super Turbo Charger (KSTC).
Mismong si George Yang, president/CEO ng Golden Arces Philippines na mother company ng McDonalds Philippines ay nanguna sa pagpapakabit ng KSTC sa kanyang Ford Expedition na sasakyan.
Ang kanyang luxury vehicle ang ginawang demo para makita na ang KSTC na imbensiyon ng multi-awarded na Pinoy inventor na si Pablo Planas ay nakatitipid ng mahigit 15 hanggang 50 porsiyentong konsumo sa gasolina.
Dahil dito, mahigit sa 60 kotse rin ng McDo ang kinabitan ng gas-saving device. Ang mga naturang sasakyan ay pag-aari ng mga executives ng McDo, empleyado at company vehicles.
Isa ang McDonalds Philippines sa binigyan ng diskuwento ng Inventionhaus International Inc., manufacturer ng KSTC, upang mamakyaw ng tipid-gas gadget ni Planas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended