Ayon kay Dr. Eldigario Gonzalez, president ng Philippines Association of State Universities and Colleges (PASUC), umbrella organization ng 112 state-owned colleges and universities sa bansa, isang matapang na desisyon ang ginawa ni Magsaysay na sumasalamin sa kanyang paniniwala na ang anumang tangkang pagpapatalsik sa Pangulo ay hindi makakabuti sa ekonomiya.
Kawalan ng sapat na batayan sa naging reklamo ang dahilan ni Magsaysay kung bakit niya iniatras ang kanyang pirma.
Lumagda rin sa isang manipesto ng pagsuporta ang Philippine Association of Extension Program Implements Inc. (PAEPI), PAVE, NAPSSHI, Eastern Visayas Chapter ng UP Alumni Association, Provincial PTCA Confederation of Batangas at Siquijor State College.
Naniniwala ang nabanggit na mga organisasyon na dapat nang isantabi ang pulitika, igalang ang proseso ng impeachment at ang atupagin ay ang pagsusulong ng mga reporma sa education sector at iba pang mas mahahalagang isyu na kinakaharap ng bansa.