Hudas lagot sa NPA
September 5, 2005 | 12:00am
Hindi malayong hantingin ng Communist Party of the Philippines (CPP-NPA) para isalang sa tinatawag na peoples court ang mga kongresistang babawi ng kanilang lagda sa impeachment complaint kapalit ang salapi at malaking pabor mula sa Malacañang.
Ayon sa isang source na tumangging magpabanggit ng pangalan, imposibleng hindi kumilos o magpalabas ng babala si Ka Roger Rosal sa nangyayaring pambababoy ng ilang kongresista sa proseso ng impeachment at sa kasalukuyang nangyayari sa gobyerno.
Malaki anya ang pananagutan sa bayan ng mga mambabatas na tumatanggap ng suhol at pabor mula sa Palasyo kapalit ang pagtalikod sa kanilang tungkulin na palabasin ang katotohanan.
Kung hindi aniya magbibigay ng babala si Ka Roger at manonood lamang sa nangyayari sa Kongreso ay hindi malayong magkatotoo ang ulat na marami pang kongresista ang babawi ng kanilang pirma dahil sa matinding pressure mula sa Malacañang.
Ipinaliwanag naman ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo na localized ang peoples court kung saan isinasalang ang mga lokal na opisyal ng gobyerno na nakakagawa ng kasalanan sa kanilang lugar. Dapat aniyay nasa kustodya muna ng CPP-NPA ang isang taong nagkasala bago ito maisalang sa peoples court.
Ayon naman kay Bayan Muna Rep. Teddy Casino, nasa kapasyahan na ni Ka Roger kung magbibigay ito ng babala sa mga kongresistang halatang nagpapagamit sa administrasyon. Pero sinabi nitong hindi niya alam kung ano ang puwedeng ihatol sa mga "hudas" sa justice system ng CPP-NPA.
Mahirap din anyang makahanap ng ebidensiya sa sinasabing suhulan dahil hindi naman naka-black and white o nakasulat sa papel ang pagtanggap ng suhol ng sinumang tao sa gobyerno.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended