Sa inisyal na report na nakarating kay Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Patricia Sto. Tomas, nakilala ang Pinoy na si Joseph Cajiyang. Nagtamo ito ng 3rd degree burns sa katawan at dinala sa isang pagamutan sa Kuwait kung saan ito kasalukuyang nasa ICU.
Wala pang ibinigay na ibang detalye ang DOLE at maging ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung paano at saang lugar biniktima si Cajiyang.
Magugunita na noong nakalipas na Agosto 24, 2005 ay inambus at napatay naman ang Pinoy engineer na si Federico Samson.
Pangatlo si Samson sa napapatay na OFW sa Iraq sa loob ng taong ito.
Una nang umapela ang DFA sa may 6,000 OFWs sa Iraq na karamihan ay nasa Baghdad na lisanin na ang naturang bansa dahil sa matinding panganib doon.
Patuloy na nag-aalok ang pamahalaan ng libreng repatriation para sa mga Pinoy workers na nagnanais na bumalik sa Pilipinas mula sa Iraq sa ilalim ng "Voluntary Repatriation Program ng DFA.
Sa kabila ng umiiral na ban ay may mga nagtatangka pa rin tumungo sa nasabing bansa dahil na rin sa laki ng alok na sahod kahit nasa peligro ang kanilang mga buhay.