1 pang solon binawi ang pirma sa impeachment
September 2, 2005 | 12:00am
Mas lalong lumabo kahapon ang pag-asa ng oposisyon na mabuhay ang impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo na pinatay kamakalawa ng gabi sa House committee on justice matapos bawiin ng isang solon ang kanyang lagda bilang endorser.
Sa kanyang isang pahinang sworn manifestation, binawi ni Nueva Vizcaya Rep. Rodolfo Agbayani, kasapi ng LDP, ang kanyang pirma sa impeachment complaint dahil kinatay na anya sa komite ang amended complaint ng oposisyon na siya nitong inendorso.
Ikinatuwiran pa nito na pupunta siya sa ibang bansa sa Setyembre 4 at hindi siya makakasali sa deliberasyon sa plenaryo kapag isinumite na ang report ng komite kaugnay sa reklamo.
Matatandaan na hinamon kamakalawa ni Marinduque Rep. Edmund Reyes ang mga kasamang kongresista na sumama sa kanila upang makumpleto ang 79 lagda para mabuhay ang impeachment complaint at maidiretso sa Senado
Pero sa halip na madagdagan ang endorser ay lalo pang nabawasan dahil sa pag-urong ni Agbayani. (MRongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest