Kalat sa Kamara winalis ni Way Kurat
September 1, 2005 | 12:00am
Hindi pinalampas kahapon ni Compostela Valley Rep. Manuel "Way Kurat" Zamora ang pagkakataon para makagawa na naman ng eksena at maagaw ang atensiyon ng media at publiko sa hearing ng House committee on justice.
Dala ang isang itim na trash bag at walis ting-ting, pinulot ni Zamora ang kalat na itinapon ng ilang taong nagwala sa VIP gallery at sumigaw ng "Gloria resign!" matapos ang madamdaming talumpati ni Marinduque Rep. Edmund Reyes na tumayong kinatawan ng oposisyon sa hearing.
Bagaman at nailabas sa session hall ang mga taong nanggulo, bigla namang umeksena si Zamora sa session hall dala na ang trash bag at walis ting-ting.
Halatang pinaghandaan ni Zamora ang pagkakataon at scripted ang kanyang ginawa dahil handang-handa ito sa nasabing eksena para pumapel na janitor.
"Janitor muna ako ngayon," ani Zamora habang nagpapakuha ng litrato.
Matatandaan na si Zamora ang nagboluntaryong magbuhat ng mga ballot box noong Congressional Canvassing noong 2004.
Nagdala rin ito ng mga puno ng Calamansi noong SONA ni Arroyo upang tapatan ang rosas na kulay peach ng oposisyon na sumasagisag sa panawagan nilang ma-impeach na si Arroyo. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest