^

Bansa

Walkout ‘planado’ — LGUs

- Ni Malou Rongalerios -
Kinondena kahapon ng mga local officials na taga-suporta ni Pangulong Arroyo ang ginawang walkout ng oposisyon sa impeachment hearing na anila’y "desperadong hakbang" upang galitin ang taumbayan at mag-alsa laban sa pamahalaan.

Sa pahayag nina Candaba, Pampanga Mayor Jerry Pelayo at Eastern Samar Governor Ben Evardone, ang walkout ay isang premeditated action ng oposisyon upang makakuha ng simpatiya mula sa publiko. Isa anila itong masamang ehemplo para sa mga taong nakakita dahil nagmukhang palengke ang Kongreso sa ginawang aksiyon ng pro-impeachment solons.

"Alam na nilang (oposisyon) wala silang pag-asa para makamit ang kanilang gusto. Pinagniningas lang nila ang galit at karahasan na maaaring maging daan para sa isang extra constitutional resolution sa impeachment case," ayon sa dalawa.

Ang reaksiyon ay kasunod ng walkout ng 52 pro-impeachment congressmen matapos na matalo ng majority sa botohan para sa pagsulong ng impeachment case sa Kongreso.

Bago lumabas ng plenaryo ay naghagis pa ng mga papel ang oposisyon.

Pinunto ni Evardone na nagkaroon ng sapat na panahon para ihayag ng oposisyon ang mga isyu subalit sadyang kinapos ito dahil ang impeachment ay isang numbers game na kung saan ay kailangang sumuko ang natalong grupo.

Inakusahan rin ni Pelayo ang oposisyon na sinadya ang walkout upang makahikayat ng taumbayan na sumugod sa lansangan at kagatin ang pain na lumahok sa madugong protesta.

Nanawagan naman sina Bataan Gov. Enrique Garcia at Marinduque Vice Gov. Andy Palma na ituon na lamang ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang lahat ng kakayahan nito upang resolbahin ang kinakaharap na problema ng bansa lalo na ang krisis sa langis na banta sa ekonomiya at katatagan pampulitikal ng bansa.

ALAM

ANDY PALMA

BATAAN GOV

EASTERN SAMAR GOVERNOR BEN EVARDONE

ENRIQUE GARCIA

KONGRESO

MABABANG KAPULUNGAN

MARINDUQUE VICE GOV

PAMPANGA MAYOR JERRY PELAYO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with