^

Bansa

SITI naglinaw sa paggamit ng OVP logo

-
Nilinaw ng Samahan ng Ilaw ng Tahanan Inc. (SITI) na walang kinalaman ang naturang organisasyon sa kumakalat na balitang ginagamit nito ang tanggapan ni Vice President Noli de Castro sa pagkuha ng pabor sa National Home Mortgage and Finance Corporation (NHMFC).

Sa ipinalabas na pahayag, sinabi ng SITI na walang ginagamit na logo o anumang uri ng opisyal na komunikasyon ang naturang organisasyon mula sa tanggapan ni VP de Castro upang makakuha ng pabor sa NHMFC. Pumapaloob lamang anya sa legal na proseso ang kanilang samahan sa pakikipag-transaksiyon nito sa alinmang ahensiya ng gobyerno.

Sinabi pa ng SITI na hindi sisirain ng Samahan ang magandang relasyon nito sa OVP at HUDCC o sirain ang pangalan ni de Castro sa anumang illegal na transaksiyon.

Iginiit ng SITI na nakahanda silang humarap kay de Castro upang linawin ang naturang isyu na siyang nagpapalito sa pagpapatakbo ng proyektong pabahay.

CASTRO

IGINIIT

ILAW

NATIONAL HOME MORTGAGE AND FINANCE CORPORATION

NILINAW

PUMAPALOOB

SAMAHAN

SINABI

TAHANAN INC

VICE PRESIDENT NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with