Hiniling nina Henry Limon at Cecil Quimpo sa kanilang liham kay Finance Secretary Margarito Teves na hindi dapat pagbigyan ang promosyon ni Gracia Zuño-Karingal bilang deputy collector for Assessment ng BOC dahil sa kasong administratibong kinakaharap nito sa Ombudsman at Manila-Regional Trial Court.
Naunang inirekomenda ni Ombudsman Julia Calderon noong Enero 31, 2003 ang pagsasampa ng 2 kaso ng graft kay Karingal sa Manila-RTC branch 26 dahil sa pagpayag nitong makalabas ang mga impounded fabric at textile sa mababang halaga.
Bukod dito, napatunayan din na nilabag ni Karingal ang Anti-Graft law ng tumanggap ito ng P21.8 milyon mula sa dalawa kapalit ng pag-release ng impounded textile at fabric materials mula sa BOC.
Hiniling ni Limon ang pagpapalabas ng preventive suspension ni Ombudsman Simeon Marcelo laban kay Karingal, na kapatid ni State Prosecutor Jovencito Zuño, pero wala pang resulta hanggang ngayon.