^

Bansa

Promosyon ng BOC official hinaharang

-
Hinarang ng dalawang negosyante ang promosyon ng isang collector ng Bureau of Customs dahil sa kaso nitong graft and corruption kaugnay umano sa pagpapalabas ng impounded textile fabrics at materials na nagkakahalaga ng P21.8 milyon.

Hiniling nina Henry Limon at Cecil Quimpo sa kanilang liham kay Finance Secretary Margarito Teves na hindi dapat pagbigyan ang promosyon ni Gracia Zuño-Karingal bilang deputy collector for Assessment ng BOC dahil sa kasong administratibong kinakaharap nito sa Ombudsman at Manila-Regional Trial Court.

Naunang inirekomenda ni Ombudsman Julia Calderon noong Enero 31, 2003 ang pagsasampa ng 2 kaso ng graft kay Karingal sa Manila-RTC branch 26 dahil sa pagpayag nitong makalabas ang mga impounded fabric at textile sa mababang halaga.

Bukod dito, napatunayan din na nilabag ni Karingal ang Anti-Graft law ng tumanggap ito ng P21.8 milyon mula sa dalawa kapalit ng pag-release ng impounded textile at fabric materials mula sa BOC.

Hiniling ni Limon ang pagpapalabas ng preventive suspension ni Ombudsman Simeon Marcelo laban kay Karingal, na kapatid ni State Prosecutor Jovencito Zuño, pero wala pang resulta hanggang ngayon.

BUREAU OF CUSTOMS

CECIL QUIMPO

FINANCE SECRETARY MARGARITO TEVES

GRACIA ZU

HENRY LIMON

HINILING

KARINGAL

MANILA-REGIONAL TRIAL COURT

OMBUDSMAN JULIA CALDERON

OMBUDSMAN SIMEON MARCELO

STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with