22 bansa namakyaw ng tipid-gas
August 29, 2005 | 12:00am
Muling umani ng positibong tugon ang ipinagmamalaking tipid-gas gadget ng Pilipinas nang dagsain ng order mula sa 22 bansa ang Khaos Super Turbo Charger (KSTC) dahil na rin sa dinaranas na krisis sa enerhiya sa buong mundo.
Ayon kay Isko Catibayan, spokesman at vice president for business development ng Inventionhaus International Inc. (manufacturer ng KSTC), dahil sa pandaigdigang problema sa langis, itinuturing nang isa sa pinaka-epektibong alternatibong solusyon sa pagtitipid ng gasolina ang imbensiyon ni Pablo Planas.
May 22 bansa na ang direktang nakikipag-ugnayan sa Pilipinas para kumuha ng natatanging gas saving device upang tangkilikin sa kani-kanilang bansa bunsod na rin ng krisis sa petrolyo.
Nabatid na nauna nang nagkaroon ng Khaos distribution sa Australia, East Africa, South Africa, Korea, Indonesia, India, Kuwait, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Mariana Islands, kabilang na ang Saipan at Guam.
Magbubukas na rin ng merkado sa Canada, China, Vietnam, iba pang Asian countries, gayundin sa bansang Amerika na naunang nag-alok kay Planas ng $10 million para lamang ibenta ang formula ng kanyang imbensiyon, ngunit tinanggihan ito ni Planas, na dati lamang jeepney driver-operator sa bayan ng San Juan, Metro Manila.
Sinabi ni Catibayan na patuloy ang negosasyon sa mga bansa sa Europa, tulad ng United Kingdom, Holland, Scandinavia, Hungary, Switzerland, Portugal, France, Germany, gayundin sa South America, Middle East at iba pang bahagi ng Asya.
Ang positibong tugon na ito mula sa international market ang nagbigay naman ng hanapbuhay sa mga Pilipinong walang trabaho sa ngayon dahil sa kasalukuyan ay may ibat ibang distributor na sa ibat ibang sulok ng bansa ang Inventionhaus.
Ang mga ito ay nakakalat sa planta ng Khaos, mga salesman, mekaniko at administrative personnel. Bukod pa rito ang humigit kumulang na 80 dealers sa buong bansa na nakapagbibigay empleyo rin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended