^

Bansa

Iligal na pagpasok ng Pinoy engineer sa Iraq pinasisiyasat

-
Iniutos kahapon ni Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo na imbestigahan ang iligal na pagkakapasok sa Iraq ng namatay na Pinoy engineer sa kabila ng pinaiiral na ban ng pamahalaan.

Ayon kay Romulo, ang nasawing si Federico Samson, 50, tubong Olongapo City ay 4 na buwan pa lamang nagtatrabaho bilang communications rigger ng Lucent Technologies, isang US electronic firm, na nakabase sa Baghdad.

Sinabi ni Romulo na nananatili ang ban sa deployment ng OFWs sa Iraq dahil sa matinding karahasan doon kaya nagtataka ito kung paanong nakalusot si Samson.

Personal na pinangangasiwaan ngayon ni Charge’ de Affaires Eric Endaya ang repatriation ng labi ni Samson.

Nakausap din ni Endaya ang dalawang Pinoy na nasugatan sa insidente at nakilalang sina Pedro Galila at Roderick Tayo. Sa kabila ng pangyayari, wala umanong plano si Tayo na umuwi sa bansa.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng DOLE at OWWA na maibibigay ang insurance at death benefits sa pamilya ni Samson. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AFFAIRES ERIC ENDAYA

ALBERTO ROMULO

ELLEN FERNANDO

FEDERICO SAMSON

FOREIGN AFFAIRS SEC

LUCENT TECHNOLOGIES

OLONGAPO CITY

PEDRO GALILA

PINOY

RODERICK TAYO

ROMULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with