BI umaming nagpabaya kaya nakatakas si Garci
August 27, 2005 | 12:00am
Aminado ang Bureau of Immigration (BI) na nagkaroon ng kapabayaan sa proseso ng pagpapaalis ng mga pasahero ng RP-C1426 Learjet ng Subic International Air Charter noong araw na tumakas palabas ng bansa si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.
Sa isinagawang pagdinig ng Task Force Garcillano, sinabi ni BI officer Raymond Pilac na dinala lamang umano ng isang liaison officer ng Subic International Airport ang mga pasaporte nina Capt. Arthur Santos, Flight Officer Wilfredo Bautista at Flight Engr. Benito Hafalla.
Si Pilac ang officer-of-the-day ng maganap ang pagtakas umano ni Garcillano.
Inamin pa ni Pilac na hindi niya personal na tiniyak na tatlo lamang ang sakay ng Learjet noong July 14, 2005 gayong bahagi ng kanyang trabaho na i-double check muna ang pasaporte ng sinumang papaalis ng bansa at tiyakin na parehong tao ang nasa larawan ng pasaporte at ng taong may dala nito.
Ikinatuwiran ni Pilac na kaya nito hindi na-check ang mga may-ari ng pasaporte at laman ng Learjet ay dahil sa umanoy kalayuan ng kanyang opisina sa hangar ng eroplano. Nag-rely lamang siya sa mga nasabing dokumento tulad ng pasaporte at sa "gende" o aircraft clearance na dinala sa kanyang opisina.
Gayunman, binigyang-diin ni Pilac na wala siyang nalalaman sa planong pagtakas ni Garcillano at hindi niya nakita ito na dumating sa nasabing paliparan.
Idiniin ng Air Transportation Office (ATO) na kasalanan ng BI kaya nakatakas palabas ng bansa si Garcillano.
Ayon kay ATO Asst. Head Office Manuel Villegas, responsibilidad ng BI ang mag-monitor ng mga pasaherong aalis at papasok ng bansa. Aniya, ang tanging trabaho ng kanilang tanggapan ay mag-inspeksyon ng mga eroplanong papalipad at tiyakin ang seguridad na makararating ang mga pasaherong sasakay dito.
Wala anya silang magagawa kundi paalisin ang Learjet dahil idineklara itong sira at kinakailangan na ipagawa sa Singapore.
Ipinaliwanag pa ni Villegas na kumpleto ang ipinakitang dokumento ni Capt. Santos at ito ay aprubado at may lagda pa ng mga opisyal ng BI kaya pinayagan nilang paliparin ang nasabing eroplano.
Ayon pa kay Villegas, wala rin sa manipesto ng mga aalis sakay ng Learjet ang pangalan ni Garcillano at tanging ang mga pangalan lamang ng tatlong piloto ang nakalagay sa naturang manipesto. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest