Pinuna ni Pangulong Arroyo na sa bawat patawag ng pulong ay sumasakay pa sila ng kotse, gumagamit ng aircon at ilaw. Kaya sa Malacañang anya ay ginagawa na niyang command conference para minsanan.
Ikinalugod ng Pangulo ang resulta ng kampanya sa pagtitipid ng enerhiya kung saan nakatipid ng P200,000 isang buwan sa Office of the Press Secretary na pinamumunuan ni Secretary Ignacio Bunye.
Sisimulan naman sa susunod na linggo ng audit team na itinatag ng Pangulo ang mga pagbisita sa mga tanggapan ng gobyerno para alamin kung sinusunod nila ang kampanya sa pagtitipid. (Ulat ni Lilia Tolentino)