2006 budget ready na
August 24, 2005 | 12:00am
Isusumite na ngayon ng Malacañang sa House of Representatives ang panukalang national budget para sa 2006 na nagkakahalaga ng mahigit sa P1 trilyon 51 bilyon. Ayon kay Budget Sec. Romulo Neri, ang panukalang 2006 budget ay mas mataas ng 13% kaysa nitong 2005. Nakapaloob dito ang pondo para sa pagtataas ng sahod ng mga manggagawa ng gobyerno. Hindi naman kasama dito ang pondo para sa Charter change dahil wala pang legal na basehan ang Department of Budget and Management para maisama ito sa mga popondohang programa. (Ulat ni Lilia Tolentino)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended