Ayon kay Atty. Romeo Macalintal, kung nais ni Legarda na maibalik sa kanya ang mga election documents na nasamsam sa tahanan ni Tabayoyong ay dapat na lamang itong maghain ng reklamo sa PNP-CIDG.
Ikinatuwiran ng kampo ni Legarda na maituturing na isa umanong pagnanakaw ang ginawang pagkuha ng mga election returns ng ISAFP sa bahay ni Tabayoyong.
Si Legarda ay nagtungo kahapon sa Supreme Court para dumalo sa ikalawang preliminary conference kaugnay sa electoral protest ni de Castro.
Sinabi nito na isang malinaw na paglabag sa karapatan ng demokrasya ang ginawa ng ISAFP dahil sa basta na lamang nitong pagkuha ng walang paalam sa mga ER na pinag-aralan na ni Tabayoyong ng may isang taon. (Ulat ni Grace dela Cruz)