Loren binira ni Noli sa ERs
August 24, 2005 | 12:00am
Lalo pang tumitindi ang bangayang Noli-Loren makaraang hamunin ng kampo ni Vice Pres. Noli De Castro si dating Senadora Loren Legarda na magsampa na lang ito ng kaso kaugnay sa akusasyon nito na isang pagnanakaw ang ginawa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng kumpiskahin ang mga umanoy election returns (ERs) na hawak ng dating NBI handwriting expert na si Segundo Tabayoyong.
Ayon kay Atty. Romeo Macalintal, kung nais ni Legarda na maibalik sa kanya ang mga election documents na nasamsam sa tahanan ni Tabayoyong ay dapat na lamang itong maghain ng reklamo sa PNP-CIDG.
Ikinatuwiran ng kampo ni Legarda na maituturing na isa umanong pagnanakaw ang ginawang pagkuha ng mga election returns ng ISAFP sa bahay ni Tabayoyong.
Si Legarda ay nagtungo kahapon sa Supreme Court para dumalo sa ikalawang preliminary conference kaugnay sa electoral protest ni de Castro.
Sinabi nito na isang malinaw na paglabag sa karapatan ng demokrasya ang ginawa ng ISAFP dahil sa basta na lamang nitong pagkuha ng walang paalam sa mga ER na pinag-aralan na ni Tabayoyong ng may isang taon. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest