Government agencies, nagtipid-gas na rin
August 23, 2005 | 12:00am
Matapos ang direktibang pagtitipid na ipinalabas ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo hinggil sa dinaranas na krisis sa enerhiya sa bansa, kumilos na rin ang ibat ibang tanggapan ng gobyerno upang makatulong sa pagbansot sa pagkonsumo ng gasolina sa kani-kanilang opisina.
Kamakalawa, mismong sina Department of Energy Sec. Raphael Lotilla at Secretary to the Cabinet Ricardo Saludo ang nagsabing dapat ikonsidera ang tipid-gas gadget na naimbento ni Ka Pablo Planas dahil malaking tulong ito sa dinaranas na krisis pang-enerhiya sa kasalukuyan.
Bago pa ang naturang kautusan, nauna nang nagtipid-gas ang ilang departamento, tulad ng Department of Justice at Agriculture, gayundin ang Ninoy Aquino International Airport, simula nang Khaos Super Turbo Charger na naimbento ng Pinoy na si Pablo Planas noon pang taong 1973.
Nagpakabit ang NAIA ng KSTC sa 30 nilang service vehicles na nagsabing malaking katipiran sa pagkonsumo ng gasoline.
Inisyal na 20 service vehicles naman ang ipinakabit ng Department of Agriculture at inaasahang magpapakabit pa sila sa mga opisina sa ibat ibang sulok ng bansa.
May 12 sasakyan naman ang kinabitan ng naturang tipid-gas gadget sa tanggapan ng Philippine Tourism Authority kamakailan.
Ayon kay Isko Catibayan, vice-president for business development at siya ring spokesman ng Inventionhaus International Inc., tagapagtaguyod ng imbensiyon ni Planas, ang KSTC ay garantisadong nakatipid ng 15 hanggang 50 porsiyento sa konsumo ng gasoline.
"Malaking tulong po kami sa pagtitipid na ipinatutupad ng pamahalaan ngayon. Siguro hindi natin talaga mapigilan ang pagtaas ng presyo ng petrolyo, pero puwede tayong magtipid," ani Catibayan.
Tiwala si Catibayan na marami pang tanggapan ng pamahalaan ang magpapakabit ng kanilang gas-saving device lalot mismong si Pangulong Arroyo na ang nag-utos para sa agarang pagtitipid.
Nais ng Malacañang na magtipid ang pamahalaan ng 20 porsiyento sa mga ginugugol nitong budget sa gasoline bunsod na rin sa krisis sa enerhiya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended