Tipid-gas aprub sa Palasyo
August 22, 2005 | 12:00am
Muling nakakita ng pag-asa ang pamahalaan ni Pangulong Arroyo para masolusyunan ang dinaranas na energy crisis sa bansa.
Bukod sa gas rationing, pagbabawas ng security convoy ng Pangulo at pagdispatsa sa mga sasakyang panggasolina na naka-assigned sa ibat ibang government owned controlled corporations (GOCCs), sinabi ni Department of Energy Sec. Raphael Lotilla na bukas sa Malacañang ang paggamit ng publiko sa gas saving device bilang solusyon sa kasalukuyang oil crisis.
Sa kanyang pahayag matapos ang isinagawang pagpupulong sa Palasyo upang tugunan ang suliranin sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis, sinabi ni Lotilla na malaking tulong sa oil crisis ang mga gas saving device kung kaya hihikayatin nila ang publiko na suportahan ang mga bagong imbensiyon ng tipid-gas gadget, tulad ng Khaos Super Turbo Charger.
Nabalitaan na umano ni Lotilla ang KSTC, isang gas saving device na imbensiyon ni Filipino inventor Pablo Planas at aminado siya na kapuri-puri ito at malaking tulong para sa mga pampublikot pribadong motorista. Pati si Secretary of the Cabinet Ricardo Saludo ay nagsabing isasama rin nila ang tipid-gas gadget sa ipinatutupad na measures ng pamahalaan.
"Anything that will help reduce fuel consumption will be welcome," ani Saludo.
Nagkasundo kamakailan ang Asialink Finance Corporation at Inventionhaus International Inc., tagapagtaguyod ng KSTC, na ipautang sa publiko ang tipid-gas gadget. Sa orihinal na halagang P6,500, maaari na itong makuha sa pamamagitan ng installment basis o hulugan sa halagang P668 kinsenas-katapusan sa loob ng anim na buwan. Maaaring tumawag sa tel. blg. 4487214/4487213/9200090. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
17 hours ago
Recommended