Tax incentives sa mga kumpanyang may handicapped employees
August 22, 2005 | 12:00am
Iginiit ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga pribadong kumpanya na tumanggap ng mga manggagawang may mga kapansanan upang makakuha ng malaking insentibo sa buwis na inaalok ng pamahalaan.
Ayon kay Kenrick Villaluz, karamihan umano sa mga pribadong kumpanya ay hindi alam ang iniaalok na insentibo o diskuwento sa buwis ng pamahalaan sa pagtanggap nila ng mga manggagawa na may kapansanan.
Sinabi nito na aabot umano sa 25% ang magiging diskuwento ng isang kumpanya sa suweldo ng empleyadong may kapansanan at malaking 50% sa buwis sa modipikasyon ng kanilang mga pasilidad.
Wala naman umanong masama kung tatanggap ang mga kumpanya ng mga aplikante na may kapansanan nga ngunit kuwalipikado naman ang posisyon at trabaho na aakuin nito.
Kamakailan lamang, nag-imbita ang DOLE ng 40 opisyales ng ibat ibang kumpanya upang talakayin ang pagbibigay ng trabaho sa mga may kapansanan ngunit wala umanong dumalo. Nanatili pa rin umano ang negatibong pagtanaw ng mga trabaho sa mga "handicapped".
Sa kabila nito, patuloy pa rin umano ang gagawing dayalogo ng DOLE sa mga negosyante upang magbigay ng posisyon sa mga may kapansanan at patuloy pa rin ang training nila sa mga ito upang maging karapat-dapat na empleyado ng mga kumpanya. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest